TOMO IV - 2017

TOMO IV - 2017

Erap Laki-Mata, Gloria Laki-Nunal: Politikal na Pagkakarnabal sa Tulansangan

Erap Laki-Mata, Gloria Laki-Nunal: Politikal na Pagkakarnabal sa Tulansangan

Michael Francis C. Andrada Unibersidad ng Pilipinas Diliman

Sinisiyasat ng papel na ito ang transgresibong potensyal ng mga tulansangan o maiigsing tula at tugma na ginagamit ng mga bata sa kanilang paglalaro sa lansangan. Kalakhan ng mga tulansangan ay nakolekta sa pakikipanayam sa mga batang may gulang na anim hanggang 12 taon at nagmula sa sektor ng maralitang lungsod ng Quezon City. Ang mga nilalaman at tema ng mga tulansangan ay inaral batay sa pagsusuring moda ng produksyon. Sa partikular, ipinakikita sa pag-aaral kung paanong ang mga tulansangan ay naging paraan ng interpretasyon at kritika ng politika, ekonomiya at kultura ng Pilipinas mula sa punto de bista ng isang mardyinalisadong sektor ng lipunan.

Basahin ang artikulo
Panimulang Pag-aaral ng Wikang Filipino sa UCLA: Kasalukuyang Lagay at Direksiyon

Panimulang Pag-aaral ng Wikang Filipino sa UCLA: Kasalukuyang Lagay at Direksiyon

Nenita Pambid Domingo Unibersidad ng California, Los Angeles, U.S.

Binubuod ng pag-aaral na ito ang lagay ng pagtuturo ng wika at kalinangang Filipino sa Unibersidad ng California sa Los Angeles sa panimulang antas ng pag-aaral na ang katatasan sa wikang Filipino sa panimula ng pag-aaral ay 0 hanggang 0+ ayon sa pamantayan ng ACTFL ILR OPI (American Council on the Teaching of Foreign Languages Interagency Language Roundtable Oral Proficiency Interview) sa Estados Unidos. Batay sa karanasan, ang mga elementong nangangailangan ng kaukulang pansin ay ang mga sumusunod: morpolohiya, kaukulan, sintaksis, pokus, aspekto, at panagano ng pandiwa, at diin, intonasyon sa pagsasalita. Problematiko rin ang paggamit ng pang-angkop sa pagitan ng iba’t ibang bahagi ng pananalita para sa mga nag-aaral ng wikang Filipino. May ilang mga aklat na nalimbag na tuwirang pinagtutuunan ng pansin ang pagpapabuti ng mga naturang problematikong elemento ng pagtatamo ng wikang Filipino sa mga mag-aaral na ang unang wika ay Ingles na siyang direktang pinagmumulan ng kahinaan sa mga naturan. Nakita rin na ang ibang mga wikang Pilipino na siyang mga wikang ginagamit sa tahanan tulad ng Kapampangan, Ilokano, Bisaya, at iba pa ay nakakaapekto rin sa kinis ng pagkatuto ng wikang Filipino. Ang pag-aaral na ito ay isang eksploratoryo at panimulang pagsipat sa maaaring maging interbensiyon tungo sa mas masinop na pagtuturo ng mga guro at sa mabilis na pagtatamo ng wika ng mga mag-aaral ng wika at kalinangang Filipino.

Basahin ang artikulo
Paglalakad at Pag-unawa sa Session in Bloom

Paglalakad at Pag-unawa sa Session in Bloom

Ivan Emil Labayne Unibersidad ng Pilipinas Diliman

Babasahin ng papel na ito ang Session in Bloom bilang isang kultural na kaganapan, partikular bilang manipestasyon ng kontemporanyong pamilihan at sintomas ng modernong urbanisasyon. Susuriin ang pagkakatugma o ‘di-pagkakatugma ng lohikang gumagana sa Session in Bloom sa sa tabi ng magkakaibang ideya: ang carnival ni Mikhail Bakhtin at ang mga pagmumuni-muni ukol sa pamilihan-bilang-laberinto ni Walter Benjamin. Magmumula sa paghahambing ng Session in Bloom sa pamilihang kinagiliwan ni Benjamin ang pag-iibang anyo ng pamilihan sa takbo ng kasaysayan.

Basahin ang artikulo
Mga Politika ng Dila: Imahe(Nasyon), Kaakuhan at Erotisismo sa Nobelang Lumbay ng Dila (2010)

Mga Politika ng Dila: Imahe(Nasyon), Kaakuhan at Erotisismo sa Nobelang Lumbay ng Dila (2010)

John Clifford E. Sibayan Unibersidad ng Pilipinas Diliman

Ang pagkalikha ng nobela, ayon sa kritikong si Resil Mojares, ay isang pambansang proyekto. Dumaan ito sa mahabang pagbabago mula sa pagkabatid natin sa genre ng nobela na ipinaman ng mga kolonyalistang Kastila hanggang sa pagbabagong pinagdaanan nito sa ilalim ng mga kolonisador at imperyalistang Amerikano at Hapon, hanggang sa kontemporanyong produksyon ng mga kasalukuyang nobelista. Ang papel na ito ay tinatayang ambag sa patuloy na pag-aaral ng tradisyon ng nobela sa Pilipinas, gamit ang isang nobelang nagmula sa rehiyon ngunit nakasulat sa wikang Filipino, ang nobelang Lumbay ng Dila (2010) ni Genevieve L. Asenjo. Bilang ambag sa pagpapaunlad ng pagaaral ng nobela, sinuri ng papel na ito ang iba’t ibang politika o relasyong pangkapangyarihan na nagtatalaban sa nobelang Lumbay ng Dila. Bilang isa sa mga kontemporanyong nobela, masisipat sa Lumbay ng Dila ang mayamang talaban ng mga politika o relasyong pangkapangyarihan. Sa partikular, ipinakita sa papel ang politika ng wika, politika ng espasyo, politika ng katawan at politika ng kasaysayan – at kung paano nito hinulma ang proyekto ng bansa bilang isang nobela.

Basahin ang artikulo
Leksikal na Elaborasyon ng Wikang Filipino sa Panayam…

Leksikal na Elaborasyon ng Wikang Filipino sa Panayam…

Crizel Sicat-De Laza / Clarissa Santiago-Dungo Unibersidad Ng Pilipinas Diliman

Ang papel na ito ay panimulang pagtataya sa leksikal na elaborasyon ng wikang Filipino sa taunang panayam pang-agham na isinasagawa sa Unibersidad   ng  Santo Tomas.   Susuriin ang paggamit ng wikang Filipino sa labing pitong abstrak ng mga pananaliksik sa agham at teknolohiya na itinampok sa mga panayam. Sa pagsusuri, ginawang gabay ang mga paraan sa   panghihiram  sa teknikal na leksikon ng Pilipino ni Alfonso Santiago (1979).

Basahin ang artikulo