Si Imelda P. de Castro ang dáting Tagapangulo ng Departamento ng Filipino ng Unibersidad ng Santo Tomas kung saan, isa rin siyáng Full Professor at Resident Research Fellow ng Research Center on Culture, Arts, and the Humanities (RCCAH). Nagtapos siya ng digring Doctor of Arts in Language and Literature (with High Distinction) sa De La Salle University – Manila. Nagtuturo siya ng wikang Filipino, retorika, panitikan, pagsasalin, leksikograpiya, at metodolohiya ng pananaliksik.
Bílang mananaliksik, tumanggap na si Dr. de Castro ng maraming parangal at pagkilala mula sa University Research Coordination Office (URCO) ng DLSU Manila at Research Center ng UST. Naging awtor at ko-awtor siya ng mga sangguniang aklat sa araling kompyuter sa Filipino, Filipino sa iba’t ibang larangan, retorika, at pagtuturo ng Filipino bílang pangalawang wika. Nakapagbasá na rin siya ng papel sa mahahalagang kumperensiya gaya ng International Conference on Translation and Bilingual DictIonaries sa Hong Kong at International Conference on Specialized Translation sa Barcelona, Spain. Nakapag-akda na rin siya ng mga artikulo sa Lexicograpia Manor sa Tubingen, Germany at sa monograp na Lexicography sa London.
Sa kasalukuyan, kasapi si Dr. de Castro ng Executive Council ng National Committee on Language and Translation (NCLT) ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA). Isa rin siyang regular na kasapi ng National Research Council of the Philippines (NRCP).
Si Zendel Rosario M. Taruc ay kawaksing propesor sa Unibersidad ng Santo Tomas, Kolehiyo ng Edukasyon – Departamento ng Filipino. Siya ang dáting tagapangulo ng Departamento ng Filipino (TA 2016- 2018). Nagtuturo ng mga kursong Filipino at batayang pananaliksik. Nakapaglathala ng mahigit sa 20 kagamitang panturo sa Filipino sa antas ng elementarya, sekondarya at tersiyarya. Ebalweytor at balideytor ng mga saliksik sa Filipino at instrumentong pampananaliksik. Madalas din siyáng magbasá ng mga saliksik-papel sa mga kumperensiyang nasyonal at internasyonal. Ang kanyang ineteres sa pananaliksik ay pagkatuto at pagtuturo ng Filipino, pagbuo ng kagamitang panturo, kulturang popular at wika at kabataan. Natapos niya ang kaniyang Doktorado sa Pilosopiya sa Araling Filipino – Wika, Kultura at Media sa De La Salle University, Maynila. Natamo niya ang kaniyang Masterado sa Edukasyon major sa School Leadership sa DLSU at ang Batsilyer ng Edukasyon major sa Filipino sa Pamantasang Normal ng Pilipinas, Maynila.
Si Alvin Ringgo C. Reyes ay kasalukuyang Tagapangulo ng Departamento ng Filipino ng Unibersidad ng Santo Tomas (UST). Siya ay kandidato sa pagtatamo ng digring Doktor ng Pilosopiya sa Araling Filipino – Wika, Kultura, Midya sa De La Salle University Manila na pinagtapusan din niya ng digring MA sa Araling Filipino – Wika, Kultura, Midya na may karangalang Pinakamahusay na Tesis. Natamo niya ang kaniyang digring Batsilyer ng Edukasyong Sekondarya Major sa Filipino, Magna Cum Laude sa UST. Nakapag-akda na siya ng teksbuk sa Filipino sa lahat ng antas ng junior at senior high school at naanyayahang tagapanayam sa mga seminar-workshop sa Filipino at edukasyong propesyonal sa iba’t ibang panig ng bansa. Naging fellow siya sa Palihang Rogelio Sicat (2010) sa pangangasiwa ng UP Diliman Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas; 2nd J. Elizalde Navarro Workshop in Criticism on the Arts and the Humanities (2010) sa pangangasiwa ng UST Varsitarian; at UST National Creative Writing Workshop (2012). Sa kasalukuyan, kawaksing mananaliksik siya sa Research Center on Social Sciences and Education (RCSSEd) at facilitator ng Center for Innovative Teaching and Educational Delivery (CITED) ng UST at kalihim ng National Committe on Language and Translation ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA - NCLT).

hit enter to search