PANAWAGAN SA HASAAN TOMO VIII hanggang Nobyembre 20, 2024
1. Bílang isang interdisiplinaryong journal, tinatanggap ng Hasaan Journal ang anomang pag-aaral na nagpapakita ng interseksiyon ng Filipino sa ibang disiplina gaya ng wika, komunikasyon, panitikan, sining, kultura, edukasyon, agham panlipunan, ekonomiya, politika, pamamahala, mass media, globalisasyon, relihiyon, pilosopiya, ideolohiya, identidad, kasarian, sikolohiya, agham at teknolohiya, medisina, allied health, at iba pa.
2. Ang papel ay dapat magtaglay ng sumusunod na mga katangian:
a. nakatuon sa paksang napapanahon, interdisiplinaryo at makapag-aambag sa diskursong Pilipino at maaaring makapagpayaman sa mga kurso sa pananaliksik sa Filipino;
b. may sapat na lawak at lalim ng pagtalakay sa paksa batay sa matitibay na ebidensya, angkop na metodo, at masinop na pagkilala sa mga sanggunian; at
c. tuwiran at malinaw na pagtalakay ng paksa ayon sa mga pamantayan ng isang mahusay na akademikong publikasyon.
3. Ang mungkahing papel ay maaaring bahagi ng gradwadong tesis, disertasyon, o presentasyon sa isang kumperensiya o anomang pananaliksik na hindi pa nailalathala sa anomang anyo.
4. Ang haba ng papel ay hindi hihigit sa 6,500 salita. Kalakip nito ang 250-300 salitang abstrak at limang susing salita sa format na Times New Roman 12, doble-espasyo, Microsoft Word. Lagyan ng salin sa Ingles ang pamagat, abstrak, at mga susing salita.
5. Ang dokumentasyon ay dapat umayon sa estilo ng MLA 9th Edition (2021). Ang pagsulat ay dapat namang sumunod sa Manwal sa Masinop na Pagsulat ng Komisyon sa Wikang Filipino (2014).
6. Tungkulin ng awtor na kumuha ng permiso para sa anomang materyal na may karapatang-ari at isumite ito sa Lupon ng Editor. Dapat ding dumaan sa Ethics Board ng unibersidad ng may-akda ang kaniyang saliksik, kung kailangan, at tugunan ang mga pamantayang titiyak ng etikal na pagsasagawa ng pananaliksik.
7. Para sa Tomo VIII, tatanggap ng mga papel hanggang Setyembre 30, 2024. Ipasa ito sa https://forms.gle/mP7PRbftHER6MaHc8
8. Para sa mga tanong, makipag-ugnayan sa hasaanjournal@gmail.com.