mga-artikulo

mga-artikulo

Preliminaryong Pagsusuri sa Varayti  ng Tagalog-Mindoro sa Komunidad Pangwika ng Bongabong

Preliminaryong Pagsusuri sa Varayti ng Tagalog-Mindoro sa Komunidad Pangwika ng Bongabong

Voltaire M. Villanueva Pamantasang Normal ng Pilipinas

Kung pag-aaral at pagsusuri ng wikang Tagalog ang pagbabatayan, hitik at sagana ang mga batis na mapag-aaralan at mapaghahanguan ng iba’t ibang kaalaman. Bagama’t may iba’t ibang layon, tuon, at saklaw ang mga naunang gawa, iisa naman ang hangaring papagyamanin ang ating wikang pambansa.

Layunin ng pag-aaral na maitala at masuri ang wika sa komunidad pangwika ng Bongabong, Silangang Mindoro. Ipinakita mula sa preliminaryong pananaliskik ang maigting na ugnayan ng wika sa kalagayang panlipunan bilang isang munting hakbang sa pagpapaunlad ng sariling wika.

Pinagsamang etnograpiko at artsibong paraan ang pag-aaral tungo sa pagtatala at pagpapakahulugan sa leksikal aytem. Bunga ng masinop na pagtatala sa varayti ng Tagalog-Bongabong ang pahiwatig sa ugnayan ng wika at kalinangang-bayan.

Basahin ang artikulo
Ang Karaniwang Filipino bilang Daluyan ng Diskursong Pilosopikal: Panayam kay Dr. Feorillo Petronilo A. Demeterio III

Ang Karaniwang Filipino bilang Daluyan ng Diskursong Pilosopikal: Panayam kay Dr. Feorillo Petronilo A. Demeterio III

Jonathan Vergara Geronimo

Taas ng Diwa, Linaw ng Katwiran at Sarap ng Salita Ang Balagtasan sa Pangangatwirang Bayan

Taas ng Diwa, Linaw ng Katwiran at Sarap ng Salita Ang Balagtasan sa Pangangatwirang Bayan

Ramon G. Guillermo Unibersidad ng Pilipinas, Diliman

Layunin ng papel na itong palitawin ang ilang tampok ng katangian ng matatawag na “lohika” ng debateng patula na tinatawag na “balagtasan” sa pamamagitan ng pagsusuri sa mismong wika at mga kategorya na ginagamit sa balagtasan. Upang maisagawa ito, magsisilbing pangunahing batis ng kasalukuyang pag-aaral ang Jose Corazon De Jesus at Amado V. Hernandez “Balagtasan sa Lumang Usapin” (1929). Sa ganitong paraan ay maaaring mabigyang-linaw ang mga pamantayan para sa magaling na balagtasista na inilatag ni Lope K. Santos na “taas ng diwa, linaw ng katwira’t sarap ng salita.”

Basahin ang artikulo
Kapit sa Patalim, Liwanag sa Dilim: Ang Wika at Panitikang Filipino sa Kurikulum ng Kolehiyo (1996-2014)

Kapit sa Patalim, Liwanag sa Dilim: Ang Wika at Panitikang Filipino sa Kurikulum ng Kolehiyo (1996-2014)

David Michael M. San Juan Pamantasang Dela Salle-Maynila

Ipinataw ng gobyerno ng Pilipinas ang bagong General Education Curriculum (GEC) alinsunod sa programang K to 12, at sa pamamagitan ng kontrobersyal na Commission on Higher Education/ CHED Memorandum Order (CMO) No. 20, Series of 2013. Bunsod ng nasabing CMO, burado na ang espasyo ng wika at panitikang Filipino sa kurikulum ng kolehiyo, ngunit dahil sa kolektibong protesta ng mga grupong makabayan sa bansa, nagsasagawa ng konsultasyon ang CHED hinggil sa posibilidad na magkaroon pa rin ng asignaturang Filipino sa kolehiyo, at puspusang gamitin bilang wikang panturo ang wikang Filipino. Layunin ng papel na ito na ilahad ang pagsulong at pagbura sa mga tagumpay ng wika at panitikang Filipino sa kurikulum ng kolehiyo mula 1996 hanggang 2014. Saklaw nito ang pagbabalik-tanaw sa mga polisiya noong panahong kolonyal bilang batayan ng malalim na pagsusuri sa mga kaugnay na kontemporaryong polisiya sa panahong neokolonyal. Sa pangkalahatan, ang papel na ito’y manipesto rin sa paggigiit ng espasyo para sa wika at panitikang Filipino sa kurikulum ng kolehiyo, lagpas pa sa kapit-sa-patalim na pag-iral nito sa panahong neokolonyal na walang ipinag-iba sa karimlang tinatanglawan ng sulong aandap-andap man ay hindi naman namamatay.

Basahin ang artikulo
Mama Ma-Cho: Isang Pag-aaral sa Sinkretikong Identidad ng mga Tsinoy sa Batangas

Mama Ma-Cho: Isang Pag-aaral sa Sinkretikong Identidad ng mga Tsinoy sa Batangas

Renato G. Maligaya Pamantasang De La Salle- Lipa

Ang papel na ito ay isang diskurso tungkol sa sinkretismo at identidad ng mga Tsinoy sa Batangas. Mahalaga ang identidad o kaakuhan upang maiangat ang sarili at ang bansa. Sa ganitong kalagayan, ang Pilipino ay patuloy na naghahanap sa kanyang identidad dahil sa kanyang historikal na prosesong pinagdaanan na nagdulot ng iba’t ibang saray na kultura. Gayumpaman ay may mga likhang sadyang nagpapatingkad sa kabuuan ng kaakuhan na hindi natin namamalayan na pati ang dayuhang Tsino na piniling manirahan sa Pilipinas ay humantong sa pag-ako na sila rin ay mga Pilipino. Naging hamon sa alin mang dayuhan sa ano mang panig ng mundo na panatilihin ang kanilang etnisidad sa kabila ng akulturasyon at asimilasyon na maaaring maranasan sa kanilang pamamalagi sa bansang pinili nilang manirahan. Hindi ito iba sa naging karanasan ng mga Tsinoy.  Sinikap ng papel na ito na dalumatin ang ginampanan ng sinkretismo sa paniniwala ng mga Tsinoy at paano ito naging daan upang mapatingkad ang identidad ng mga Tsinoy. Ang sinkretismo ng mga Tsinoy sa Batangas ay itinuturing na naiiba sa ibang bahagi ng Pilipinas dahil sa paniniwala sa  Birhen ng Caysasay bilang si Mama Ma-Cho. Malaki ang gampanin ng pananampalataya sa pagbuo ng kaakuhan ng mga Tsinoy at kung paano ang kanilang pag-aangkop ay naging paraan upang maging bahagi sila ng isang lipunang hindi madali silang natanggap. Ang sinkretismo ng Birhen ng Caysasay bilang diyosang si Ma-Cho ng mga Batangueñong Tsinoy ay isang halimbawa ng identidad na maaaring mabuo at akuin bilang “kanila” at maghihiwalay sa identidad ng iba.

Basahin ang artikulo
Ang mga Pakikibaka ng mga Ayta noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig: Isang Panimulang Kasaysayan

Ang mga Pakikibaka ng mga Ayta noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig: Isang Panimulang Kasaysayan

Analyn B. Muñoz Unibersidad ng Pilipinas-Baguio

Ang mga Ayta ay kadalasang itinuturing na “minoridad lamang” kasama ng mga katutubong pangkat sa bansa. Isang trahedyang maituturing na wala silang nasusulat na kasaysayan. Kung mayroon man, ang mga ito ay naisulat ng mga kolonisador kaya’t ang pananaw ay maka-kanluran. Subalit, may positibong mensaheng mapupulot mula sa halos kawalan ng presensya nila sa mga talang kolonyal. Hindi sila naabot ng mga banyagang mananalaysay dahil hindi sila napasailalim sa kapangyarihang kolonyal. Ang kabundukan bilang likas na tahanan ang naging likas na depensa rin nila mula sa banta ng kolonyalismo, partikular na noong panahon ng Hapon. Kaugnay nito, layunin ng pananaliksik na talakayin ang papel ng mga Ayta noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, partikular ang pakikibakang gerilya sa Bulubunduking Zambales. Gamit na batis ang mga naisulat ng mga Amerikanong gerilya at ilang panayam sa mga buhay na gerilyang Ayta, nakatuon ito sa malaking impluwensya ng kanilang kultura sa pakikibaka ng mga gerilyang Amerikano. Binigyang-diin ang kahalagahan ng papel ng mga Ayta  sa pagtatagumpay ng laban sa mga Hapon at  sa pambansang pagkilos ng mga gerilya.

Basahin ang artikulo
Wikang Lokal at Filipino sa Pananaliksik: Isang Naratibong Sosyolohikal

Wikang Lokal at Filipino sa Pananaliksik: Isang Naratibong Sosyolohikal

Clarence M. Batan Unibersidad ng Santo Tomas

Ang naratibong ito ay kuwento ng pagtatangka ng isang sosyolohista na gumamit ng wikang lokal at Filipino sa pananaliksik. Layon ng papel na silipin ang parehong tensiyon at katuturan sa paggamit ng wikang lokal at Filipino sa pananaliksik bilang kontribusyon sa pagpapalaganap ng isang uri ng Sosyolohiya na nagtatangkang kumatawan sa boses ng mga pinagmulan ng datos. Sa pamamagitan ng paglalahad ng tatlong maikling kuwento, intensiyon ng may-akda na buksan ang diskurso sa kahalagahan ng paggamit ng wikang lokal at Filipino sa gitna ng hamon na ang mga konsepto at teorya ng Sosyolohiya bilang disiplina ay madalas nasa wikang Ingles.

Basahin ang artikulo
Ang Gamit at Kahalagahan ng Wikang Filipino sa Pagtuturo ng Agham: Panayam kay Prop. Fortunato Sevilla III

Ang Gamit at Kahalagahan ng Wikang Filipino sa Pagtuturo ng Agham: Panayam kay Prop. Fortunato Sevilla III

Wennielyn Fajilan at Reynele Bren Zafra

Ang Filipino bilang Pundasyon ng Teknikal na Pagkatuto: Panayam kay Prop. James Christopher D. Domingo

Ang Filipino bilang Pundasyon ng Teknikal na Pagkatuto: Panayam kay Prop. James Christopher D. Domingo

Wennielyn Fajilan

Kaya Nakikinig ang Lupa at Lumilipad ang Balita: Ang Tsismis at ang Tunggalian ng Uri sa Lipunang Pilipino

Kaya Nakikinig ang Lupa at Lumilipad ang Balita: Ang Tsismis at ang Tunggalian ng Uri sa Lipunang Pilipino

Mar Anthony S. Dela Cruz Unibersidad ng Pilipinas, Los Baños

Gamit ang ilang halimbawa mula sa kasaysayan ng Pilipinas, susuriin ng papel ang tsismis bilang instrumento ng kapangyarihan. Ang kahulugan, katangian at silbi ng tsismis ay tatalakayin sa unang bahagi ng papel. Sa ikalawang bahagi, bibigyang-pansin ang kakayahan ng tsismis bilang kasangkapan ng kapangyarihan. Sa ikatlong bahagi, ilalatag kung paano ito kinakasangkapan ng pribilehiyadong uri sa pagsusulong ng kanilang interes at ng mga nasa laylayan para banggain ang dominanteng sistema sa lipunan. Panghuli, sa pamamagitan ng mga kasalukuyang mga usapin, masisipat ang patuloy na tunggalian sa mga uring ito upang patunayan ang politika ng wikang bitbit ng tsismis.

Basahin ang artikulo