Pag-ibig sa Siyudad: Pagbasa sa Sa Iyong Paanan
Sinusuri ng papel ang nobelang Sa Iyong Paanan ni Edgardo Reyes bilang isang paraan ng rekuperasyon. Mula sa pagtukoy rito ni Patricia May Jurilla bilang nobelang pampanitikan, sinususugan ito ng papel ng pagsusuri: kung paanong ang nobelang genre ay maaaring maging pampanitikan, na sa partikular na kaso ng nobelang ito ay maaaring matagpuan sa pagtataglay ng mga katangiang realistiko at sikoanalitiko. Tinitingnan din ang posisyon ng nobelang ito sa konteksto ng lawas ng mga akda ni Reyes, at bilang ekstensiyon, ito ay maaaring ituring na interbensiyon sa kasaysayan ng nobela sa Pilipinas: itong minor na nobela ay isang prisma para unawain ang iba pang mga nobela at maging maikling kuwento ni Reyes, partikular ang kanyang seminal na nobelang Sa Mga Kuko ng Liwanag at mga akda sa Agos sa Disyerto. Sa pagtatapos ng papel, napagtanto na ang mga tema na taglay ng Sa Iyong Paanan ay umiiral din sa iba pang mga akda: ang pag-unlad ng indibdwal at ang masalimuot na relasyon sa siyudad.
Basahin ang artikulo